This Sunday the Youth and children of First Mlang Southern Baptist Church made a poem just for mothers. I love the poem because it is somewhat funny but real. I asked for a copy from Jed so that I can also share it all the moms in the world.
A Mother's Day Poem
By the Mlang Baptist Youth
"Ang Nanay Ko"
Minsan ang buhay naming mga kabataan
May mga kwentong sadyang may kabuluhan
Isa isip nalang ang kwento ni nanay
Sa kanyang mga payo, dapat ka nang masanay.
Hali na't pakinggan nyo ang isang kwento
Ika'y dapat makinig dahil ika'y matututo
Sa mga putak ng ina
Hahanap-hanapin mo talga.
Minsan sa pag-uwi sa aming bahay
Ina'y nakita sa pinto nakabantay
Ako'y na sigawan ng sigaw na nakakabingi
Kasi nakalimutan ko gabi na pala ako nakauwi.
May panahon ding ako'y napagsabihan
Ito ang mga gamit mo't umuwi ka na sa simbahan
Uuwi ka lang kung kailan mo gustuhin
Lalo na siguro kung gusto mong kumain.
Nang ako naman ay humingi ng kwarta
Ako'y nasambatan, saan ba daw gagamitin ang pera
Hindi daw kasi madali ang mag hanap-buhay
Pero tingnan nyo't sa huli'y siya'y magbibigay
Hay naku at mayroon pa akong naisip
Pag siya'y nagalit di talaga panaginip
Kung makapagsigaw ay parang tandang
Pangalan niya at Ante Pilang
Pinapagalitan niya kami pag kami ay sumisigaw
Lalo na sa mga panahong kami ay humihiyaw
Sa mga kapitbahay kami daw ay disturbo
Baka daw kami pagtapunan ng bato
Napuno na nga siguro ang aking mga tenga
Sa mga payo at aral ni Ina
Wag pang kalimutan mga segunda ni lola
Hay naku't nakakainis talaga
Hahanap-hanapin mo ang musika ng sermon
Pagkagising sa umaga hanggang sa maghapon
Di makumpleto ang iyong buong araw
Pag di mo narinig ang kanyang mga sigaw
Siguro'y isang madilim na umaga
Pag wala o malayo si ina
Kapagkat siya ang ilaw ng tahanan
Matuturing buhay na kayamanan
Bago naming tapusin ang kwentong ito
Hayaan niyo't kami'y magpasalamat ng taos puso
O Inay, Mommy, Mama at Nanay
Kahit kami'y pasaway kasama ni tatay
Di kalilimutan mga gabay at pangaral
Pagkat ikaw ay bigay ng Maykapal
Sa Diyos ikaw ay sadyang pinagpala
Para sa amin ay maging biyaya.
No comments:
Post a Comment