Monday, March 23, 2020

Naninigarilyo, mas malaki ang posibilidad na mahawaan ng Coronavirus





Hinihimok ngayon ng mga eksperto ang mga naninigarilyo na itigil na ang ganitong bisyo dahil sila umano ay mayroong mas malaking posibilidad na mahawa ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 kaysa sa karaniwang taong hindi naninigarilyo. Ang mga taong naninigarilyo at mayroon nang sakit sa baga o anumang respiratory disease ay maaaring rin umanong humarap sa mas malalang sakit. Wala mang direktang pag-aaral na nagpapatunay na ang paninigarilyo ay nagpapalala sa COVID-19, ayon sa mga eksperto ay ang paninigarilyo mismo ay maaaring maging dahilan ng paglala ng mga sakit sa baga na nagpapalala rin ng COVID-19. “Smoking is associated with other illnesses such as chronic lung and chronic heart diseases which are associated with more severe disease and worse outcomes from coronavirus” saad pa ni Sanjaya Senanayake, ang Associate Professor if Medicine ng Australian National University (ANU). Maliban sa mga naninigarilyo, pinangangambahan ring madaling mahawa ng coronavirus ang mga taong nakalanghap ng maraming usok, kagaya na lamang ng mga firefighters sa Australia na nakipaglaban sa malawakng bushfire roon nitong nakaraang mga buwan. Kung tatatandaan, ang bansang Australia ay nakipaglaban noong nakaraang mga buwan sa malawakang pagkasunog ng kanilang kagubatan. Nagresulta ang naturang pagkasunog ng krisis lalo na sa kalusugan ng mga residente kung saan, tumaas ang mga kaso ng na-admit dahil sa paglanghap ng makapal na usok na nagpalala sa mga taong may respiratory problems, asthma, brochitis, chronic obstructive pulmonary disease, at ilan ding sakit sa puso.  Ang naturang mga bumbero o firefighters na rumesponde sa bushfire ay maaari umanong nakalanghap ng usok na ang epekto ay maihahalintulad sa paningarilyo ng isang pakete ng sigarilyo sa isang araw. Kaya naman, ang mga bumberong ito ay mayroong malaking tyansa na magkaroon ng problema sa baga at pati na rin umano ang mga residente sa Australia na apektado ng makapal na usok at nakalanghap nito. Ang mga ito umano ay nasa panganib na mahawa ng coronavirus. Ito ay dahil ayon kay Professor Raina MacIntyre, ang head ng Biosecurity sa Kirby Institute ng University of New South Wales, ang kumakalat na COVID-19 ay hindi umano mabuti at nakakasama sa mga taong mayroong iniindang problema sa baga o may mahinang baga. People who had exacerbations of lung disease during the bushfires and are still not recovered from that may be worse affected. “Those who did not have lung disease and are recovered from smoke effects should not be at greater risk, but we have no research or data to be certain of this” ani pa ni Professor MacIntyre. Ayon sa mga pag-aaral, mas malaki umano ang tyansa ng mga mas nakakatanda at mayroong edad na mahawaan ng coronavirus kaysa sa mga bata. Sila umano ang nasa mas malaking panganib na makakuha ng sakit. Ito umano ay dahil ang mga bata ay wala pang masyadong iniindang sakit kagaya ng sakit sa baga kaysa roon sa mga taong mayroon nang edad. Napatunayan ito sa isang pag-aaral na ginawa tungkol sa pagkahawa ng Sars-Cov-2 sa mga bata. Sa buong mundo, patuloy na tumataas ang kaso ng mga indibidwal na mayroong kompirmadong kaso ng COVID-19. Naging dahilan ito upang ideklara na ng World Health Organization ang COVID-19 bilang isang pandemic.


1 comment: